TEKSTURA AT ARMONYA Grade 5-6
File: Interactive Flash Presentation and Video
Layunin: Nagagamit ang mga akordeng I, IV at V bilang pansaliw sa awit
1. Nasasabi ang mga katawagan sa mga akordeng I, IV at V (mayor) Tonic, Sub-dominant, Dominant
2. Natutukoy ang notang ugat ng akordeng I, IV, at V
3. Natutukoy ang mga notang bumubuo ng akordeng I, IV, V I-Tonic, IV-Sub-dominant, V-Dominant
4. Nagagamit ang mga notang ugat ng mga akordeng I, IV at V sa tunugang mayor bilang pansaliw sa isang payak na awit
Watch this video first before downloading the module
Aralin: Iba't-ibang Uri ng Tempo Grade 5-6 File: Interactive flash (swf) module
Layunin: Nakikilala ang iba't ibang tempo ng isang awitin/tugtugin
1. Nakasusunod sa tempong accelerando (papabilis na pag-awit/pagtugtog) at ritardando (papabagal na pagawit/pagtugtog)
2. Naipahihiwatig ang damdamin ng mga bahagi ng awit sa pamamagitan ng pagbabago ng tempo ng tugtugin/awitin
Hal.: "Pandangguhan"
Watch the video first before downloading the module below.
Ano ang Tempo?
Ang tempo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o dalang ng daloy o galaw ng ritmo at melodiya ng isang awit at tugtugin.
Iba't-ibang Uri ng Tempo:
lento - Mabagal na malumanay
largo - Mabagal na matatag
andante - Mabagal
moderato - Katamtaman na bilis
allegro - Mabilis
vivace - Mas mabilis sa allegro
presto - Mabilis na nagmamadali
accelerando - Papabilis
ritardando - Papabagal
Download Free
Aralin: Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda Subject: MSEP - (Musika)
Grade: 6
Layunin: Napahahalagahan ang mga instrumentong bumubuo ng banda (brass band)
1.1 Nakikilala ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa banda
1.2 Nasasabi ang katangian ng tunog na nalilikha ng iba't ibang instrumento ng banda
Ang banda ay binubuo ng tatlong pangkat ng instrumento:
Perkusyon - Ang perkusyon ay binubuo ng mga instrumentong karaniwang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas, pagkalog, pagtapik, o pagtatama. Tanso - Ang mga instrumentong "brass" ay yari sa tanso na animo'y tubo na palaki ang isang dulo tulad ng imbudo. Ang mga ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa "mouth piece", pagpindot sa mga piston at paghila at pagtulak sa "slides". Kahoy na hinihipan - Ang mga instrumentong "wood wind" ay yari sa kahoy na may ihipang yari sa manipis na kawayan na tinatawag na "reed". Ang katawan ng mga instrumentong kabilang sa pangkat na ito ay may mga butas na binubuksan at sinasarhan sa pamamagitan ng mga pisada na itinutulak ng mga daliri.
Watch : Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda - Interactive MSEP/Musika Lesson
Aralin: Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo Grade: 6 Subject: MSEP/MAPEH Layunin: Nakikilala ang mga simbolong may kaugnayan sa anyo tulad ng:
- DA Capo (D.C.) ulitin mula sa simula
- AL Fine - hanggang sa katapusan
- D.C. Al fine - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
- Dal Segno (D.S.) bumalik mula sa senyas
1. "Da Capo (D.C.)" - ulitin mula sa simula
Ang simbolong to ay karaniwang matatagpuan sa hulihan ng isang bahagi ng awit o sa hulihan ng komposisyong musikal. Kapag nakita ang simbolong ito ay kailangang ulitin ang pag-awit o pagtugtog mula sa simula.
2. "Al Fine" - hanggang sa katapusan
Ito ay nangangahulugan na ituloy ang awit hanggang sa matapos.
3. "D.C. Al Fine" - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
Ang simbolong ito ay pinagsamang "Da Capo" at "Al Fine". Kapag ang "Fine" ay nakita pagkatapos ng unang bahagi ay kailangang tapusin na ang awit doon.
4. "Dal Segno (D.S.)" - bumalik mula sa senyas
Ang senyas ng "Dal Segno (D.S.)". Kapag nakita mo sa iskor ng awit ang salitang "Dal Segno (D.S.)" ay hanapin mo agad ang senyas at ulitin mo ang bahaging yaon hanggang sa makakita ka ng panibagong simbolo na magsasabi kung ano ang susunod mong gagawin.
5. Panandang Pag-uulit ||: :||
Kinakailangang ulitin ang lahat ng bahagi ng awit na nakapaloob sa simbolong ito.
5. “Fine“ - hulihan o wakas ng awit
Watch this video first before downloading the file.
Download Free Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo - Interactive Music Lesson Module
Ang timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.
Ang tinig ng mga mang-aawit ay nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalake.
Ang tinig ng mga babae sa pag-awit ay tinatawag na soprano o alto. Ang soprano ay tinig na mataas at may kaliitan, samantalang ang alto ay mababa at may kalakihan.
Ang dalawang uri ng tinig ng mga lalaki ay ang tenor at baho.
Ang tenor ay mataas at medyo matinis.Ang baho naman ay mababa, malaki at kung minsan ay dumadagundong.
Watch this video first before doenloading the file.
Ang uri ng tinig ay nag-iiba dahil sa pagbabago ng mga sangkap ng katawan sa pagbibinata o pagdadalaga. Ang tinig ng mga bata ay mataas at maaaring isama sa soprano o alto. Kapag ang mga lalaki ay sumapit na sa wastong gulang, ang kaniyang tinig ay lalaki at lalalim at magkakaroon na siya ng kakayahang umawit ng mabababang himig para sa baho.
Download Timbre (Tinig ng mga Babae at Lalaki) - Interactive Music Lesson Module in Flash (swf)
Tekstura at Armonya
Aralin: Tekstura ng mga Himig
Layunin: A. Nakikilala ang iba't ibang tekstura ng himig
1. Nakaaawit ng tatlo o apat na bahaging rounds
2. Nakaaawit sa dalawahang tinig
Grade 5-6
File: Interactive Flash (swf)
Ang musikal na tekstura ay isa sa mga elemento ng musika na maririnig sa lahat ng komposisyong musikal. Ito ay tumutukoy sa kaayusan o kaugnayan ng dalawang sangkap ng musika – ang melodiya at armonya.
Ito ay maihahalintulad sa hibla at habi ng tela. Ang pahalang na hibla ay melodiya at ang patayong hibla ay armonya - kapag ang melodiya ay sinaliwan ng akorde, ang bunga ay paghahabi ng tunog - dito maririnig ang nipis o kapal ng tunog o melodiya ng isang awit o tugtugin.
May tatlong uri ng tekstura:
• Monoponya
• Homoponya
• Poliponya
A. Monoponya
Ang teksturang monoponya ay isang payak na himig na walang kasabay o dagdag na himig; isang linya ng musika lamang ang inaawit at walang instrumentong sumasaliw. Mailalarawan ang teksturang monoponya sa pamamagitan ng sumusunod na mga linya ng melodiya:
B. Poliponya
Ito ay isang uri ng tekstura na pinagsama-sama ang maraming melodiya. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng sumusunod na mga linyang pangmelodiya.
May 2 himig na dumadaloy ang ating narinig. Isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang dalawang himig ay kailangang magkabagay at upang marinig ang dalawang himig ay kailangang 2 tao ang aawit o 2 instrumento ang tutugtog o 2 tono ang magkasabay na titipain sa instrumento.
Ang mga awit na "rounds" ay kabilang sa mga teksturang poliponya.
C. Homoponya
Ang musika na binubuo ng melodiyang sinasaliwan ng instrumento o melodiyang may akorde ay may teksturang homoponya. Sa musikang homoponya, ang melodiya ay karaniwang nasa pinakamataas na boses.
Ang pagdaragdag ng mga tunog sa isang melodiya ay tinatawag na armonya.
Ang teksturang homoponya ay nailalarawan sa ganitong paraan.
Reference: Valdecantos, EC, 1999. Umawit at Gumuhit. 1st ed. 3rd Flr., VCC Bldg., 1308 P. Guevarra St., Sta. Cruz, Manila: Saint Mary's Publishing Corporation.
Watch this Video on how to use the Flash versionbelow.
Tekstura ng mga Himig (Musical Textures) in Flash (swf)
Layunin: Nagkakaroon ng mas mataas na kalidad sa pag-awit at pagtugtog sa pamamagitan ng pagsunod sa mga senyas daynamikang nakasaad sa isang awit o tugtugin.
DAYNAMIKS
A. Napapahalagahan ang kaugnayan ng daynamiks sa madamdaming pagpapahayag ng musika
1. Naibibigay ang kahulugan ng pp (pianissimo) at ff (fortissimo)
2. Nakasusunod sa mga senyas na pp (pianissimo – very soft), ff (fortissimo – very loud), mp (mezzo piano – half soft) at mf (mezzo forte – half loud)
3. Naipakikita sa pamamagitan ng pagawit/pagtugtog ang kahulugan ng musika sa angkop na antas ng daynamiks
- mahinang pag-awit/pagtugtog ng isang malungkot na himig o awit sa pagpapatulo
Halimbawa: Ili-ili Tulog Anay
- may katamtamang lakas na pagawit/pagtugtog ang isang masiglang himig
Hal.: "Pamulinawen”
- malakas na pag-awit/pagtugtog sa bahaging binibigyan ng diin
Hal.: "makita kang sakdal laya" (Hango sa "Bayan Ko")
Watch this video demo - How to use the lesson module
Tunugang Mayor at Menor Iskalang Mayor at Menor (Major and Minor Scale) File Type: Video and Flash
Lahat ng tunugang mayor ay may kaugnay na tunugang menor. Ang tunugang menor ay isa at kalahating hakbang na mababa sa kaugnay na tunugang mayor.
Ang pagkakaiba sa kayarian ng iskalang mayor at iskalang menor ay ang pagkakasunud-sunod ng mga notang may buong hakbang at kalahating hakbang.
Ang nagtatakda ng pagiging mayor o menor ay ang pangatlong nota sa iskala na pinababa nang kalahati sa iskalang menor. Ang pang-anim na nota sa iskala na pinababa nang kalahati ay karaniwan din sa iskalang menor.
Sa iskalang mayor, ang puwersa o lakas na ibinibigay ng kalahating hakbang sa pagitan ng pampito at pangwalong nota ay "hindi" matatagpuan sa iskalang menor. Ito ang lakas na panghila mula sa ikapitong nota tungo sa ikawalong nota. Sa iskalang menor ay isang buong hakbang ang pagitan ng pampito at pangwalong nota. Ito ang nagbibigay ng hindi karaniwang tunog sa ating pandinig.
Download Iskalang Mayor at Menor (Major and Minor Scale) - Flash .swf
This module about Palakumpasan inculdes videos, activities and quizzes. Palakumpasang 2/2, 2/4, 3/4 at 6/8.
Ang palakumpasan ay isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal. Ito ang nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung anong uri at gaano karaming nota at pahinga ang dapat ilagay sa isang sukat.
Ang palakumpasan ay binubuo ng dalawang bilang; isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang bilang sa itaas ang nagtatakda kung ilang pulso o kumpas mayroon sa isang sukat at ang bilang sa ibaba ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap sa isang kumpas.
For more about the lesson See the interactive lesson in flash, compatible with IWB.
Ang palakumpasan ay isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal. Ito ang nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung anong uri at gaano karaming nota at pahinga ang dapat ilagay sa isang sukat.
Ang palakumpasan ay binubuo ng dalawang bilang; isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang bilang sa itaas ang nagtatakda kung ilang pulso o kumpas mayroon sa isang sukat at ang bilang sa ibaba ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap sa isang kumpas.
Sa mga palakumpasang 2/4, 3/4 at 4/4 , ang "quarter note" at "quarter rest" ang tumatanggap ng isang kumpas, samantalang sa palakumpasang 2/2 , ang tumatanggap ng isang kumpas ay ang "half note" at "half rest".
Awitin at kumpasan ang sumusunod na mga awit na may iba’t-ibang palakumpasan.
1. Magtanim ay Di Biro
2. Pobreng Alindahaw
3. Family
4. It’s a Small Word
Palakumpasang 2/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 3/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (3 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 4/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (4 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)
Palakumpasang 2/2
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (half note)
Palakumpasang 6/8
Bilang ng kumpas sa isang sukat (6 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (eight note)
Ang palakumpasang 6/8 ay may ritmong tambalan. Mayroon itong anim na pulso o kumpas sa isang sukat. Ang mga pulso nito ay tambalang tatluhan o napapangkat sa tatlo. Ang palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas. Ang palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas.
Makikita sa presentation ang mga halaga ng mga nota sa iba't-ibang palakumpasan kasama na ang mga exercises.
Here is a very good flash presentation of the lesson. Free download here.
Only few teachers know how to read music notes, are you one of them? We are forced to teach music subjects because that is part of our profession. What if you were assigned to do that, and you don't have knowledge about music, what should you do?
I suggest you learn how to read music notes. It's the best thing to do for your students because you love them. So, let's get started with the first five lessons.
In these lessons, you will learn how to read music notations step by step. Read whole notes and half notes in natural key (C) as quickly as possible. This video will guide you to make learning simple and easy.
How to Read Music Notes - Lesson 1 Treble Clef File: Video Interactive Whiteboard Compatible