Subject: MSEP - (Musika)
Grade: 6
Layunin: Napahahalagahan ang mga instrumentong bumubuo ng banda (brass band)
1.1 Nakikilala ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa banda
1.2 Nasasabi ang katangian ng tunog na nalilikha ng iba't ibang instrumento ng banda
Ang banda ay binubuo ng tatlong pangkat ng instrumento:
Perkusyon - Ang perkusyon ay binubuo ng mga instrumentong karaniwang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas, pagkalog, pagtapik, o pagtatama.
Tanso - Ang mga instrumentong "brass" ay yari sa tanso na animo'y tubo na palaki ang isang dulo tulad ng imbudo. Ang mga ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa "mouth piece", pagpindot sa mga piston at paghila at pagtulak sa "slides".
Kahoy na hinihipan - Ang mga instrumentong "wood wind" ay yari sa kahoy na may ihipang yari sa manipis na kawayan na tinatawag na "reed". Ang katawan ng mga instrumentong kabilang sa pangkat na ito ay may mga butas na binubuksan at sinasarhan sa pamamagitan ng mga pisada na itinutulak ng mga daliri.
Watch : Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda - Interactive MSEP/Musika Lesson
Free Download
No comments:
Post a Comment