Grade: 6
Subject: MSEP/MAPEH
Layunin: Nakikilala ang mga simbolong may kaugnayan sa anyo tulad ng:
- DA Capo (D.C.) ulitin mula sa simula
- AL Fine - hanggang sa katapusan
- D.C. Al fine - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
- Dal Segno (D.S.) bumalik mula sa senyas
1. "Da Capo (D.C.)" - ulitin mula sa simula
Ang simbolong to ay karaniwang matatagpuan sa hulihan ng isang bahagi ng awit o sa hulihan ng komposisyong musikal. Kapag nakita ang simbolong ito ay kailangang ulitin ang pag-awit o pagtugtog mula sa simula.
2. "Al Fine" - hanggang sa katapusan
Ito ay nangangahulugan na ituloy ang awit hanggang sa matapos.
3. "D.C. Al Fine" - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
Ang simbolong ito ay pinagsamang "Da Capo" at "Al Fine". Kapag ang "Fine" ay nakita pagkatapos ng unang bahagi ay kailangang tapusin na ang awit doon.
4. "Dal Segno (D.S.)" - bumalik mula sa senyas
Ang senyas ng "Dal Segno (D.S.)". Kapag nakita mo sa iskor ng awit ang salitang "Dal Segno (D.S.)" ay hanapin mo agad ang senyas at ulitin mo ang bahaging yaon hanggang sa makakita ka ng panibagong simbolo na magsasabi kung ano ang susunod mong gagawin.
5. Panandang Pag-uulit ||: :||
Kinakailangang ulitin ang lahat ng bahagi ng awit na nakapaloob sa simbolong ito.
5. “Fine“ - hulihan o wakas ng awit
Watch this video first before downloading the file.
Download Free Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo - Interactive Music Lesson Module
No comments:
Post a Comment