Thursday, July 5, 2012

Iba't-Ibang Palakumpasan - Interactive Music Lesson



Ang palakumpasan ay isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal. Ito ang nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung anong uri at gaano karaming nota at pahinga ang dapat ilagay sa isang sukat.

Ang palakumpasan ay binubuo ng dalawang bilang; isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang bilang sa itaas ang nagtatakda kung ilang pulso o kumpas mayroon sa isang sukat at ang bilang sa ibaba ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap sa isang kumpas.

Sa mga palakumpasang 2/4, 3/4 at 4/4 , ang "quarter note" at "quarter rest" ang tumatanggap ng isang kumpas, samantalang sa palakumpasang 2/2 , ang tumatanggap ng isang kumpas ay ang "half note" at "half rest".

Awitin at kumpasan ang sumusunod na mga awit na may iba’t-ibang palakumpasan.
1. Magtanim ay Di Biro
2. Pobreng Alindahaw
3. Family
4. It’s a Small Word

Palakumpasang 2/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)

Palakumpasang 3/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (3 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)

Palakumpasang 4/4
Bilang ng kumpas sa isang sukat (4 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (quarter note)

Palakumpasang 2/2
Bilang ng kumpas sa isang sukat (2 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (half note)

Palakumpasang 6/8

Bilang ng kumpas sa isang sukat (6 kumpas)
Notang tumatanggap ng isang kumpas (eight note)

Ang palakumpasang 6/8 ay may ritmong tambalan. Mayroon itong anim na pulso o kumpas sa isang sukat. Ang mga pulso nito ay tambalang tatluhan o napapangkat sa tatlo. Ang palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas. Ang palakumpasang ito ay may dalawang diin (accent) sa isang sukat. Ang unang diin na nasa unang kumpas ay mas mabigat kaysa pangalawang diin na nasa pang-apat na kumpas.

Iba't-Ibang Palakumpasan - Interactive Music Lesson
Makikita sa presentation ang mga halaga ng mga nota sa iba't-ibang palakumpasan kasama na ang mga exercises.
Here is a very good flash presentation of the lesson. Free download here.

9 comments:

  1. thank u for posting this informative and very helpful piece about music! :)

    ReplyDelete
  2. Ano ba yan nakakapagod na mag research d2 lAng pala un makikita ay aku




    KakaPaGod na MaG ReSEaRch d2 lng pla ty



    ReplyDelete
  3. Nice expLanation

    ReplyDelete
  4. Yeah your right, i like the explanation and it help me a lot to know the elements of music. Keep up the good work guys and thank you for sharing.

    ReplyDelete
  5. Tip: Search for English results only. You can specify your search language in Preferences
    Search Results

    Iba't-ibang Palakumpasan (Time Signatures) - Interactive ...
    ► 7:47► 7:47
    www.youtube.com/watch?v=GuZxioF-YZY
    Jul 10, 2012 - Uploaded by iwbresources
    Iba't-ibang Palakumpasan (Time Signatures) - Interactive Music Lesson 2/4, 3/4, 4/4, 2/2 o cut time ...
    iba't ibang palakumpasan - Bureau of Elementary Education ...
    www.elementary.ph/.../ibat-ibang-palakumpasanTranslate this page
    Narito ang mga awit para sa araling "Iba't ibang Hulwarang Ritmo sa Iba't ibang Palakumpasan" Palakumpasang 2/4 - Music Notation and karaoke ng ...
    msep musika - Bureau of Elementary Education Portal
    www.elementary.ph/keywords/msep-musikaTranslate this page
    Narito ang mga awit para sa araling "Iba't ibang Hulwarang Ritmo sa Iba't ibang Palakumpasan" Palakumpasang 2/4 - Music Notation and karaoke ng ...
    Iba't-Ibang Palakumpasan - Interactive Music Lesson
    iwb-resources.blogspot.com/.../ibat-ibang-palakumpas...Translate this page
    by Sanny Tendilla - in 53 Google+ circles
    Jul 5, 2012 - Awitin at kumpasan ang sumusunod na mga awit na may iba't-ibang palakumpasan. 1. Magtanim ay Di Biro 2. Pobreng Alindahaw 3. Family 4.
    Ano ang iba't-ibang uri ng palakumpasan - Answers.com
    tl.answers.com › ... › Libangan at Sining › MusikaTranslate this page
    ... Libangan at Sining > Musika. > Ano ang iba't-ibang uri ng palakumpasan? ... Ano ang mga uri ng palakumpasan? 1/4,2/4,3/4,4/4,6/4 at 6/8. Ano ano ang uri ...
    Likha at Musika 3' 2004 Ed. - Page 399 - Google Books Result
    books.google.com.ph/books?isbn=9712337170 - Translate this page
    Niebres, Et Al
    ... sukat - katapusang sukat ng awit o tugtugin iskala - pagkakasunud-sunod ng ... sukat sa isang palakumpasan o metro lento - tempong nagpapakita ng lubos ...
    MUSIKA VI 1st Rating - Scribd
    www.scribd.com/doc/.../MUSIKA-VI-1st-RatingTranslate this page
    Mar 5, 2012 - V. Takdang Aralin: Magdala ng tape ng mga iba't ibang tugtugin at ... Umisip ng iba pang mga awit na nasa palakumpasang 2/2 at awitin sa ...
    palakumpasang 2:2 - Scribd
    www.scribd.com/doc/118260643/palakumpasang-2-2Translate this page
    Dec 28, 2012 - Magawa ang palukumpasang 2 sa pamamagitan ng ibat ibang ... Lunsarang Awit : “Parang Hari” key of G 2 2 “Up and down together” key of D ...
    musika - Scribd
    www.scribd.com/doc/78311831/musikaTranslate this page
    Jan 15, 2012 - RITMO A.1 Nabibigyang-kahulugan ang awit/ tugtugin sa iba't ibang palakumpasan sa pamamagitan ng pag-awit at angkop na kilos ng ...
    [PDF]
    MAKABAYAN - DepEd Naga City
    www.depednaga.com.ph/files/musika.pdfTranslate this page
    naipapahayag ang damdamin sa pamamagitan ng paglikha ng mga awit at kilos. Pagkatapos ng ... tugtugin sa iba't ibang palakumpasan sa pamamagitan ng ...

    Searches related to awit ng ibat ibang palakumpasan

    halimbawa ng awit

    halimbawa ng awiting bayan

    halimbawa ng awit na tula

    halimbawa ng awit na may tambalang salita

    halimbawa ng awit ng mga manggagawa

    halimbawa ng awit na may ritmong dupol

    halimbawa ng awit tungkol sa wikang filipino

    halimbawa ng awit tulang liriko
    1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

    ReplyDelete
  6. thank you for the information.reviewing for test. thanks a lot!!!! post more information about msep like this. ty

    ReplyDelete
  7. ano po ung 5 hulwarang panritmo sa palakumpasang 6\8? please reply

    ReplyDelete
  8. ilan po ang kumpas ng boung nota at boung pahinga sa 3 4?
    ilan rin po ang kumpas ng kanim na nota at kanim na pahinga sa 3 4?
    pls. reply on time


    ReplyDelete
  9. Halimbawa ng kantang may kumpas n 2 2

    ReplyDelete

Math Interactive Whiteboard Resources