Aralin: Tekstura ng mga Himig
Layunin: A. Nakikilala ang iba't ibang tekstura ng himig
1. Nakaaawit ng tatlo o apat na bahaging rounds
2. Nakaaawit sa dalawahang tinig
Grade 5-6
File: Interactive Flash (swf)
Ang musikal na tekstura ay isa sa mga elemento ng musika na maririnig sa lahat ng komposisyong musikal. Ito ay tumutukoy sa kaayusan o kaugnayan ng dalawang sangkap ng musika – ang melodiya at armonya.
Ito ay maihahalintulad sa hibla at habi ng tela. Ang pahalang na hibla ay melodiya at ang patayong hibla ay armonya - kapag ang melodiya ay sinaliwan ng akorde, ang bunga ay paghahabi ng tunog - dito maririnig ang nipis o kapal ng tunog o melodiya ng isang awit o tugtugin.
May tatlong uri ng tekstura:
• Monoponya
• Homoponya
• Poliponya
A. Monoponya
Ang teksturang monoponya ay isang payak na himig na walang kasabay o dagdag na himig; isang linya ng musika lamang ang inaawit at walang instrumentong sumasaliw. Mailalarawan ang teksturang monoponya sa pamamagitan ng sumusunod na mga linya ng melodiya:
B. Poliponya
Ito ay isang uri ng tekstura na pinagsama-sama ang maraming melodiya. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng sumusunod na mga linyang pangmelodiya.
May 2 himig na dumadaloy ang ating narinig. Isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang dalawang himig ay kailangang magkabagay at upang marinig ang dalawang himig ay kailangang 2 tao ang aawit o 2 instrumento ang tutugtog o 2 tono ang magkasabay na titipain sa instrumento.
Ang mga awit na "rounds" ay kabilang sa mga teksturang poliponya.
C. Homoponya
Ang musika na binubuo ng melodiyang sinasaliwan ng instrumento o melodiyang may akorde ay may teksturang homoponya. Sa musikang homoponya, ang melodiya ay karaniwang nasa pinakamataas na boses.
Ang pagdaragdag ng mga tunog sa isang melodiya ay tinatawag na armonya.
Ang teksturang homoponya ay nailalarawan sa ganitong paraan.
Reference:
Valdecantos, EC, 1999. Umawit at Gumuhit. 1st ed. 3rd Flr., VCC Bldg., 1308 P. Guevarra St., Sta. Cruz, Manila: Saint Mary's Publishing Corporation.
Watch this Video on how to use the Flash version below.
Tekstura ng mga Himig (Musical Textures) in Flash (swf)
Magaling. Malaking tulong.
ReplyDeletemalaking tulong ito sa akin na di gaanong bihasa sa pagtuturo ng asignaturang musika... salamat ng marami.
ReplyDeletehahahaha yehey sa wakas nakita ko rin hheheehXD
ReplyDelete