Monday, August 27, 2012

MgaAkordeng I, IV at V - Interactive MSEP/Musika Lesson Module

TEKSTURA AT ARMONYA
Grade 5-6
File: Interactive Flash Presentation and Video
Layunin: Nagagamit ang mga akordeng I, IV at V bilang pansaliw sa awit
1. Nasasabi ang mga katawagan sa mga akordeng I, IV at V (mayor) Tonic, Sub-dominant, Dominant
2. Natutukoy ang notang ugat ng akordeng I, IV, at V
3. Natutukoy ang mga notang bumubuo ng akordeng I, IV, V I-Tonic, IV-Sub-dominant, V-Dominant
4. Nagagamit ang mga notang ugat ng mga akordeng I, IV at V sa tunugang mayor bilang pansaliw sa isang payak na awit
Watch this video first before downloading the module

Thursday, August 23, 2012

Iba't-ibang Uri ng Tempo (Timing) - Interactive MSEP/Music Lesson Module

Aralin: Iba't-ibang Uri ng Tempo
Grade 5-6
File: Interactive flash (swf) module

Layunin: Nakikilala ang iba't ibang tempo ng isang awitin/tugtugin
1. Nakasusunod sa tempong accelerando (papabilis na pag-awit/pagtugtog) at ritardando (papabagal na pagawit/pagtugtog)
2. Naipahihiwatig ang damdamin ng mga bahagi ng awit sa pamamagitan ng pagbabago ng tempo ng tugtugin/awitin
Hal.: "Pandangguhan"
Watch the video first before downloading the module below.


Ano ang Tempo? Ang tempo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o dalang ng daloy o galaw ng ritmo at melodiya ng isang awit at tugtugin. Iba't-ibang Uri ng Tempo: lento - Mabagal na malumanay largo - Mabagal na matatag andante - Mabagal moderato - Katamtaman na bilis allegro - Mabilis vivace - Mas mabilis sa allegro presto - Mabilis na nagmamadali accelerando - Papabilis ritardando - Papabagal Download Free

Tuesday, August 21, 2012

Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda - Interactive MSEP/Musika Lesson

Aralin: Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda
Subject: MSEP - (Musika)
Grade: 6
Layunin: Napahahalagahan ang mga instrumentong bumubuo ng banda (brass band)
1.1 Nakikilala ang iba't ibang instrumentong ginagamit sa banda
1.2 Nasasabi ang katangian ng tunog na nalilikha ng iba't ibang instrumento ng banda

Ang banda ay binubuo ng tatlong pangkat ng instrumento:

Perkusyon - Ang perkusyon ay binubuo ng mga instrumentong karaniwang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas, pagkalog, pagtapik, o pagtatama.
Tanso - Ang mga instrumentong "brass" ay yari sa tanso na animo'y tubo na palaki ang isang dulo tulad ng imbudo. Ang mga ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa "mouth piece", pagpindot sa mga piston at paghila at pagtulak sa "slides".
Kahoy na hinihipan - Ang mga instrumentong "wood wind" ay yari sa kahoy na may ihipang yari sa manipis na kawayan na tinatawag na "reed". Ang katawan ng mga instrumentong kabilang sa pangkat na ito ay may mga butas na binubuksan at sinasarhan sa pamamagitan ng mga pisada na itinutulak ng mga daliri.


Watch : Mga Instrumentong Bumubuo ng Banda - Interactive MSEP/Musika Lesson
Free Download

Sunday, August 19, 2012

Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo - Interactive Music Lesson Module

Aralin: Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo
Grade: 6
Subject: MSEP/MAPEH
Layunin: Nakikilala ang mga simbolong may kaugnayan sa anyo tulad ng:
- DA Capo (D.C.) ulitin mula sa simula
- AL Fine - hanggang sa katapusan
- D.C. Al fine - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
- Dal Segno (D.S.) bumalik mula sa senyas

 
1. "Da Capo (D.C.)" - ulitin mula sa simula
Ang simbolong to ay karaniwang matatagpuan sa hulihan ng isang bahagi ng awit o sa hulihan ng komposisyong musikal. Kapag nakita ang simbolong ito ay kailangang ulitin ang pag-awit o pagtugtog mula sa simula.
2. "Al Fine" - hanggang sa katapusan
Ito ay nangangahulugan na ituloy ang awit hanggang sa matapos.
3. "D.C. Al Fine" - ulitin mula sa simula hanggang sa salitang fine
Ang simbolong ito ay pinagsamang "Da Capo" at "Al Fine". Kapag ang "Fine" ay nakita pagkatapos ng unang bahagi ay kailangang tapusin na ang awit doon.
4. "Dal Segno (D.S.)" - bumalik mula sa senyas
Ang senyas ng "Dal Segno (D.S.)". Kapag nakita mo sa iskor ng awit ang salitang "Dal Segno (D.S.)" ay hanapin mo agad ang senyas at ulitin mo ang bahaging yaon hanggang sa makakita ka ng panibagong simbolo na magsasabi kung ano ang susunod mong gagawin.
5. Panandang Pag-uulit ||:   :||
Kinakailangang ulitin ang lahat ng bahagi ng awit na nakapaloob sa simbolong ito.
5. “Fine“ - hulihan o wakas ng awit
Watch this video first before downloading the file.

Download Free Mga Simbulong may Kaugnayan sa Anyo - Interactive Music Lesson Module

Saturday, August 18, 2012

Subtracting Mentally 2-digit Number Without Regrouping - Interactive Maths Lesson

Lesson: Subtracting Mentally 2-digit Number Without Regrouping
Subject: Mathematics
Grade: 3-4
File: Interactive flash presentation

Today, we will not use paper and pencil to find the difference but instead we will try to compute it using our mind.
Think of how we subtract numbers. In what direction do we follow when we subtract number?
Subtract number mentally the ones, then the tens.

Here are other ways of subtracting mentally:

We can use compensation:
Subtract: 34 - 19
THINK 20 is 1 more than 19
34 - 20 = 14, so 1 more is 15

We can add the same digit to both numbers:
Subtract: 42 – 18
THINK: Add 2 to both numbers
(42 + 2) - (18 + 2)
     44    -      20    =   24
Watch this video demo first before downloading the lesson module

     
Download here:

Monday, August 13, 2012

The Parts of the Body of Animals - Interactive Science Lesson Module

Subject: Science and Health 3
The Parts of the Body of Animals - Interactive Science Lesson ModuleLesson: The Parts of the Body of Animals
File: Interactive Flash (swf) Presentation
Objectives: Conclude that animals vary in terms of body parts, movement and places where they live
1. Identify the body parts of animals found in the locality and in the environment
2. Describe how animals move
Ref: BEC PELC II.1, 1.1, 1.2

Different animals use different parts of the body for movement. Having different body parts make the animals move in different ways.
Activities: Matching the animals with the missing parts of their body, completing table describing the body parts the animals use and classifying animals

Sunday, August 12, 2012

Giving Directions - Interactive Lesson in English

Lesson: Giving Directions
Objective: Follow 1-2 step direcion
Grade: 3
File: Interactive Flash Presentation


In forming directions don't mention the doer. Begin with the action word.
Two-step directions may be joined by and or but.



Download Giving Directions

Friday, August 10, 2012

Prefixes Un and In - Interactive English Lesson Module for Grade 3

Lesson: Prefixes in- and un-
File: Interactive flash (swf)
Grade: 3


Affixes are letters or syllables added to a root word to form another word. Each is a signal word because it tells something about a word.
An affix that comes before a word or at the beginning of a word is called a prefix.
Prefixes have meanings. In the word unkind, which is the prefix? (un - means not. What is the meaning of unkind?
Another prefix which means not is in -, as in incomplete. What does incomplete mean?
Here are some words you can use to describe persons and things:

Un -
Unhappy
Unkind
Unhealthy
Unmarked
unlucky

In -
Incorrect
Inactive
Inattentive
Incomplete
inexpensive

The first syllable of the words in each group is joined by un and in. Syllables joined to the beginning of a word to change the meaning of the word. They are word prefixes. The words to which they are added are called root words.

Remember:
The un and in are syllables joined to the beginning of a word to change the meaning of the word. They are called prefixes.
Prefixes - are added to a root word.
Watch the video first before downloading.

Download Prefixes Un and In module

Wednesday, August 8, 2012

Subject and Verb Agreement - Interactive Lesson in (Reading) English 3

Lesson: Subject and Verb Agreement
Objective: Use the singular/plural form of noun with verbs of being
Grade: 3
Subject: English (Reading)
File: Interactive Flash (swf)

To make the subject and the verb agree, a singular subject takes a verb that ends in “s”.
To make the subject and the verb agree, a plural subject takes a verb that does not end in “s”.

Here are some examples:

Verbs ending in “s”
Juliet sleeps early.
She wakes up early, too.
She fixes her bed.
She takes a bath.
She gets ready for school.
He sells newspaper.
He takes care of his dog.

Verbs not ending in “s”
Adora and Nida sleep early.
They wake up early, too.
They fix their bed.
They take a bath.
They get ready for school.
I sell newspapers.
You take care of your dog.

Note: He and she take verbs ending in “s”.
They, I, You, and We take verbs not ending in “s”.

To better understand the lesson, please watch the video demonstration and download the flash file below.
Download Subject and Verb Agreement flash - Interactive Lesson in (Reading) English 3

Timbre (Tinig ng mga Babae at Lalaki) - Interactive Music Lesson Module

Ang timbre ay isa sa mga elemento ng musika. Ito ay tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.
Ang tinig ng mga mang-aawit ay nahahati sa apat: dalawa para sa babae at dalawa para sa lalake.
Ang tinig ng mga babae sa pag-awit ay tinatawag na soprano o alto. Ang soprano ay tinig na mataas at may kaliitan, samantalang ang alto ay mababa at may kalakihan.
Ang dalawang uri ng tinig ng mga lalaki ay ang tenor at baho.
Ang tenor ay mataas at medyo matinis.Ang baho naman ay mababa, malaki at kung minsan ay dumadagundong.
Watch this video first before doenloading the file.
Ang uri ng tinig ay nag-iiba dahil sa pagbabago ng mga sangkap ng katawan sa pagbibinata o pagdadalaga. Ang tinig ng mga bata ay mataas at maaaring isama sa soprano o alto. Kapag ang mga lalaki ay sumapit na sa wastong gulang, ang kaniyang tinig ay lalaki at lalalim at magkakaroon na siya ng kakayahang umawit ng mabababang himig para sa baho.
Download Timbre (Tinig ng mga Babae at Lalaki) - Interactive Music Lesson Module in Flash (swf)

Monday, August 6, 2012

Tekstura ng mga Himig (Musical Textures) - Interactive Lesson in MSEP: Musika 6

Tekstura at Armonya
Aralin: Tekstura ng mga Himig
Layunin: A. Nakikilala ang iba't ibang tekstura ng himig
1. Nakaaawit ng tatlo o apat na bahaging rounds
2. Nakaaawit sa dalawahang tinig
Grade 5-6
File: Interactive Flash (swf)
Ang musikal na tekstura ay isa sa mga elemento ng musika na maririnig sa lahat ng komposisyong musikal. Ito ay tumutukoy sa kaayusan o kaugnayan ng dalawang sangkap ng musika – ang melodiya at armonya.
Ito ay maihahalintulad sa hibla at habi ng tela. Ang pahalang na hibla ay melodiya at ang patayong hibla ay armonya - kapag ang melodiya ay sinaliwan ng akorde, ang bunga ay paghahabi ng tunog - dito maririnig ang nipis o kapal ng tunog o melodiya ng isang awit o tugtugin.

May tatlong uri ng tekstura:
• Monoponya
• Homoponya
• Poliponya

A. Monoponya
Ang teksturang monoponya ay isang payak na himig na walang kasabay o dagdag na himig; isang linya ng musika lamang ang inaawit at walang instrumentong sumasaliw. Mailalarawan ang teksturang monoponya sa pamamagitan ng sumusunod na mga linya ng melodiya:

B. Poliponya
Ito ay isang uri ng tekstura na pinagsama-sama ang maraming melodiya. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng sumusunod na mga linyang pangmelodiya.
May 2 himig na dumadaloy ang ating narinig. Isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang dalawang himig ay kailangang magkabagay at upang marinig ang dalawang himig ay kailangang 2 tao ang aawit o 2 instrumento ang tutugtog o 2 tono ang magkasabay na titipain sa instrumento.
Ang mga awit na "rounds" ay kabilang sa mga teksturang poliponya.

C. Homoponya
Ang musika na binubuo ng melodiyang sinasaliwan ng instrumento o melodiyang may akorde ay may teksturang homoponya. Sa musikang homoponya, ang melodiya ay karaniwang nasa pinakamataas na boses.
Ang pagdaragdag ng mga tunog sa isang melodiya ay tinatawag na armonya.
Ang teksturang homoponya ay nailalarawan sa ganitong paraan.

Reference:
Valdecantos, EC, 1999. Umawit at Gumuhit. 1st ed. 3rd Flr., VCC Bldg., 1308 P. Guevarra St., Sta. Cruz, Manila: Saint Mary's Publishing Corporation.

Watch this Video on how to use the Flash version below.
 
Tekstura ng mga Himig (Musical Textures) in Flash (swf)

Sunday, August 5, 2012

Antas ng Daynamiks (Musika 6/MSEP?MAPEH) - Interactive Music Lesson Module

Layunin: Nagkakaroon ng mas mataas na kalidad sa pag-awit at pagtugtog sa pamamagitan ng pagsunod sa mga senyas daynamikang nakasaad sa isang awit o tugtugin.
DAYNAMIKS
A. Napapahalagahan ang kaugnayan ng daynamiks sa madamdaming pagpapahayag ng musika
1. Naibibigay ang kahulugan ng pp (pianissimo) at ff (fortissimo)
2. Nakasusunod sa mga senyas na pp (pianissimo – very soft), ff (fortissimo – very loud), mp (mezzo piano – half soft) at mf (mezzo forte – half loud)
3. Naipakikita sa pamamagitan ng pagawit/pagtugtog ang kahulugan ng musika sa angkop na antas ng daynamiks
- mahinang pag-awit/pagtugtog ng isang malungkot na himig o awit sa pagpapatulo
Halimbawa: Ili-ili Tulog Anay
- may katamtamang lakas na pagawit/pagtugtog ang isang masiglang himig
Hal.: "Pamulinawen
- malakas na pag-awit/pagtugtog sa bahaging binibigyan ng diin
Hal.: "makita kang sakdal laya" (Hango sa "Bayan Ko")
Watch this video demo - How to use the lesson module
Math Interactive Whiteboard Resources