Sunday, July 29, 2012

Mga Direksyon - Interactive Lesson (HeKaSi 3)

Mga Direksyon
File: Interactive Flash (swf)
Subject: HeKaSi (Araling Panlipunan)
Halos lahat ng mapa ay nakaayon sa hilaga. Ipinakita ito sa compass rose, isang bilog na instrumentong simbulo ng mapa para sa direksyon. Palagi itong nakaturo sa magnetic north ng daigdig. Sa compass makikita ang apat na pangunahin o kardinal na direksyon. Ginagamit ng mga scout at mga manlalakbay ang compass para hindi sila maligaw.

Maraming lugar ang hindi eksaktong makikita sa kardinal na direksyon. Sa larawan sa itaas makikita ang tinatawag na pangalawang direksyon. Ang direksyon sa pagitan ng hilaga at silangan ay tinatawag nating Hilagang-silangan (HS), sa pagitan naman ng timog at silangan ay ang Timog-silangan (TS). Timog-kanluran (TK) naman ang nasa pagitan ng Timog at Kanluran. Ang ikaapat na direksyon ay nasa pagitan ng hilaga at kanluran na kung tawagin natin ay Hilagang-kanluran (HK).


Download Mga Direksyon

1 comment:

Math Interactive Whiteboard Resources